Theme Preview Rss

Patalastas: Para sa mga Boboto sa 2010

Sa susunod na halalan ang Pilipinas ay gagamit ng automation sa pagbilang ng mga boto.  Pero bago ang lahat, kailanganin muna natin maging tiyak kung nakarehistro tayo para sa susunod na taon.  Bago ang hi-tech na bilangan (na sana’y di naman hi-tach ang dayaan).  Bumisita muna tayo sa website ng COMELEC, upang tiyakin kung saan tayo nakarehistro.

Natuklasan ko lang ito kahapon habang naghahanap ng mga pamantayan sa pagrehistro ng botante.  Na hi-tech na din yun Comelec dahil makikita natin dito sa website na ito yun mga detalye ng atin pagkarehistro.  Pumunta lang sa link na ito at ilagay lang ang pangalan at araw ng kapanganakan, at ibibgay niya ang mga detalye kung saan presinto ka boboto.

comelecScreenshot ng Impormasyon kung saan Nakarehistro

Ang address ng presinto kung saan boboto ay wala pa sa website. Mabutihin imungkahi na lang sa inyong barangay pag malapit na ang halalan,

Kaya para sa mga may gustong supotahan sa darating na halalan at hindi pa nakakapag rehistro, mabutihing pumunta sa inyong mga Munisipyo o City Hall para mag rehistro at ito ang kanilang schedule

During office hours, from 8:00 AM to 5:00 PM,
(Mondays - Saturdays including holidays)
beginning December 2, 2008 (Tuesday) to
October 31, 2009 (Saturday)

Sa mga hindi pa nakapagrehistro, mag parehistro na, sayang ang boto.

Ang mga impormasyon ay mula sa: www.comelec.gov.ph

1 comments:

Ginabeloved said...

informative blog, keep it up :)

Post a Comment